Tuesday, June 13, 2023

DAMDAMING MAKABAYAN AT PAGTULONG NA MAISALBA ANG BANSA SA KAHIRAPAN, IPINANAWAGAN NI SPEAKER ROMUALDEZ SA SAMBAYANAN

Nanawagan si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa lahat ng mga Pilipino na gisingin ang kanilang mga damdaming makabayan, at tumulong na maisalba sa mga kasalukuyang pagsubok ang bansa, bilang pagtanaw ng utang na loob sa ating mga bayani, na ibinuwis ang kanilang mga buhay, makamit lamang ang ating kalayaan.


Ito ay ipinahayag ng Speaker sa kanyang mensahe, matapos na mag-alay ng bulaklak sa isang seremonya sa monumento ni Gat Andres Bonifacio sa Lungsod ng Caloocan, bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-125 Araw ng Kalayaan ng Pilipinas kahapon.


Sinabi ng lider ng Kamara na nananawagan ang okasyon sa bawat isang Pilipino na alalahanin at matuto sa mga aral na iniwan sa atin ng ating mga bayani, tulad ni Gat Andres Bonifacio, ang Ama ng Philippine Revolution.


Ayon sa kanya, kailangan pa natin ng mga bayani tulad ni Bonifacio, sa kasalukuyang henerasyon, bagama’t hindi naman kinakailangan na mag-armas at makipagdigmaan para sa kalayaan.


Nauna na niyang sinabi na ang Kapulungan ng mga Kinatawan at nananatiling nakatutok sa pagpapasa ng mga kinakailangang batas, na naglalayong pasiglahin ang paglago ng ekonomiya ng bansa, para kapakinabangan ng mga Pilipino.


At sa pagtatapos ng First Regular Session ng ika-19 na Kongreso, ay inaprubahan ng Kapulungan ang 33 sa 42 na panukala na nakatala bilang mga prayoridad na panukala ni Pangulong Pres. Ferdinand R. Marcos, Jr., na pinatibay ng Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC).


Bukod pa rito, nakapagproseso ang Kapulungan sa parehong panahon ng kabuuang 9,600 na panukala, na kinabibilangan ng 8,490 House bills, 1,109 resolutions, at isang petisyon.







Idinagsag pa niya na ang ating laban para sa kalayaan ng bansa ay hindi lamang mula sa mga dayuhang manlulupig, kungdi ang kalayaan ng ating mga kababayan mula sa kahirapan at kagutuman.


“Laban din ito para wakasan ang kagutuman. Laban para maranasan ang ginhawa sa buhay. Laban para matiyak ang magandang kinabukasan,” ani Speaker Romualdez.


“Maging bayani para iangat ang buhay ng pamilya. Kumilos para maging bahagi ng solusyon sa mga problema ng bayan. Maging bayani para sa bansa at para sa kapwa,” dagdag niya.


Sa ngalan ng Kapulungan ng mga Kinatawan ay nagpasalamat siya sa pribilehiyo na maging bahagi ng isang makasysayang pagdiriwang, at nangako siyang gagawin niya sa abot ng kanyang makakaya at pagsisikap na maiangat ang kabuhayan ng sambayanang Pilipino.


“Asahan po ninyo, lagi ninyo akong kasama sa labang ito,” aniya.


wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home