PANUKALANG TAX RACKETEERING NA MAGPAPATAW NG MABIGAT NA PARUSA SA SANGKOT DITO, PASADO NA SA KAMARA
Pinagtibay na ng Kamara sa ikatlo at huling pagbasa ang HB08144 o panukalang nagsusulong na ituring na krimen ang “tax racketeering” at magpataw ng mabigat na parusa sa mga sangkot dito.
Aamyendahan ng panukala ang Section 257 o National Internal Revenue Code.
Sa panukala, ang sinabing tax racketeer, ibig sabihin na ito ay indibidwal na umiiwas o hindi nagbabayad ng buwis sa pamamagitan ng “systematic at coordinated scheme,” gamit ang mga pekeng resibo, returns, o record na ang halaga ay hindi bababa sa P10 million.
Nasa ilalim ng House Bill na ang mahahatulan ay makukulong ng 17 hanggang 20 taon, at multa; habang ang kasabwat ay kulong na 10 hanggang 17 taon.
Ayon kay House Speaker Ferdinand Martin Romualdez, target ng panukala na mapigilan o matuldukan ang mga modus o pakana, na nagdudulot ng pagkawala ng bilyong-bilyong pisong kita sa pamahalaan at nakakaapekto sa mga Pilipino.
Ani Romualdez, maraming sindikato at mga “bogus business” ang gumagawa ng tax racketeering, kaya napapanahon na aniyang mapanagot ang mga ito.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home