PINOY SURFER NA MULING NAGWAGI SA PANDAIGDIGANG KOMPETISYON, PINURI NINA SPEAKER AT TINGOG REP. ROMUALDEZ
Muling nakatanggap ng mga paghanga at papuri ang World-Class surfer na si Rogelio “Jay-R” Esquivel, Jr. mula sa mga pinuno ng Kapulungan ng mga Kinatawan, matapos niyang mapagtagumpayan ang World Surf League (WSL) Qualifying Series Padrol Longboard Classic, sa pagwawagi niya ng ginto sa kompetisyon, na idinaos sa Bali, Indonesia noong ika-3 hanggang 4 ng Hunyo.
Pinuri nina Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez at Tingog Rep. Yedda Marie K. Romualdez si Esquivel sa pinakahuli niyang tagumpay, at sinabing patuloy na nagdadala ang Filipino surfer ng karangalan sa bansa, sa kanyang mga pagwawagi sa mga pandaigdigang kompetisyon sa surfing.
Gayundin, nagbahagi rin ng pinansyal na tulong kay Esquivel para sa kanyang mga gastusin sa paglahok sa mga sporting events tulad ng WSL competitions.
“Jay-R Esquivel continues to make our country proud by winning international competitions one after another. His contributions to putting the Philippines in the world surfing map is not only honoring our country, but encouraging tourists to visit our surfing spots,” ayon kay Speaker Romualdez.
Dahil sa kanyang tagumpay sa qualifying series, ay naging kwalipikado si Esquivel sa WSL World Longboard Tour at naging kauna-unahang Pilipino na makagawa nito.
Sinabi ni Rep. Yedda Marie Romualdez na noon lamang Pebrero, personal nilang binati si Esquivel sa pagwawagi niya sa WSL La Union International Pro Longboard Qualifying Series.
“And now here we are again, in awe of Jay-R’s achievements in world surfing competitions, making history not only for himself but for the rest of the Filipino nation. Your accomplishments truly deserve praise and recognition,” ani Rep. Yedda Marie Romualdez.
Ngayon ding Mayo, si Esquivel ay bahagi ng team na nagwagi sa pang-apat na pwesto International Surfing Association (ISA) World Longboard Championship sa El Salvador, kasunod lamang ng mga nangunguna sa world surfing na France, Brazil at Peru, isang makasaysayang tagumpay ng Philippine Longboard Team, sa una nilang paglahok sa world group competition.
Sinabi ng dalawang pinuno ng Kapulungan na patuloy nilang susuportahan ang larangan ng surfing sa bansa, habang hihimukin ang mga kabataan na pagsikapan at mangarap tulad ng isang Esquivel na magwagi sa mga pandaigdigang kompetisyon.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home