Friday, June 30, 2023

MGA TAGUMPAY NI PBBM INIHAYAG NI SPEAKER ROMUALDEZ: KEEP UP THE GOOD WORK, MR. PRESIDENT


Inihayag ngayong Biyernes ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang mga pangunahing tagumpay ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Romualdez Marcos Jr. sa kanyang unang taon sa kanyang katungkulan.


“The President did well on Year 1. Keep up the good work, Mr. President,” ayon kay Speaker Romualdez.


Ang Pangulo ay isang taon na sa kanyang katungkulan bukas, ika-30 ng Hunyo.


Para kay Speaker Romualdez, ang kapuna-punang tagumpay ng administrasyong Marcos ay ang pagtulong sa mga ordinaryong Pilipino, pagpapatuloy ng paglago ng ekonomiya, pagsusulong sa bansa bilang destinasyon ng pamuhunan, at ugnayang pang labas.


Sinabi niya na ginawa ng Pangulo ang kanyang buong makakaya upang matugunanan ang mga araw-araw na alalahanin ng mga Pilipino, tulad ng pagtaas ng mga presyo ng bilihin at kakulangan sa pabahay.


“Shortly after assuming office, he was confronted with spikes in the price of certain commodities like onions, which were selling for as much as P800 a kilo, and the basic staple rice,” aniya.


Sa pamamagitan ng mga kumbinasyon ng mga panukala, at sa tulong ng Kapulungan, ay naibaba at napatatag ng administrasyon ang halaga ng sibuyas at bigas, aniya.


Binanggit niya na ang Komite ng Agrikultura at Pagkain ng Kapulungan ng mga Kinatawan, sa pamumuno ni Chairman at Quezon Rep. Mark Enverga ay nagsagawa ng mga pagsisiyasat na nagbulgar sa pagmamani-obra ng halaga, pagtatago, at kartel na nasa likod ng kalakan ng sibuyas.


Sinabi ng pinuno ng Kapulungan na nagpasya ang Pangulo na muling itatag ang sinimulan ng kanyang ama na, mga tindahan ng Kadiwa, upang mabili ang mga produktong pang agrikultura ng mga magsasaka sa mababang halaga.


“He has a genuine concern, compassion and empathy for the poor,” giit niya.


Ipinunto ni Speaker na sa usapin ng pabahay, ay binuhay rin ng Pangulo mula sa karanasan ng administrasyon ng kanyang ama ang mga programang pabahay tulad ng BLISS (Bagong Lipunan Improvement of Sites and Services), na siyang proyekto ng kanyang ina, si dating minister of human settlements at First Lady Imelda Romualdez Marcos.


Inilunsad rin ng Punong Ehekutibo ang Pambansang Pabahay Para sa Pilipino at inatasan ang Department of Human Settlements and Urban Development na magtayo ng mga medium-rise at high-rise condominiums para sa mga mahihirap at mga kawani ng pamahalaan, kabilang na ang mga sundalo at mga pulis.


Sinabi ni Speaker Romualdez na ang pagpapatuloy ng paglago ng ekonomiya ng bansa ay isa ring kapuna-punang tagumpay ni Pangulong Marcos.


“The economy grew by 7.6 percent and 7.2 percent in the third and fourth quarters of 2022, and 6.4 percent in the first quarter of this year. Those growth periods were the first nine months of the Marcos administration. I sincerely hope we could sustain it,” aniya.


Aniya, ang kahanga-hangang paglago sa panahon ng unang anim na buwan ng Pangulo sa kanyang tungkulin, ay resulta ng pasya ng Punong Ehekutibo na muling buksan ang ekonomiya, sa kabila ng patuloy na banta ng pandemyang dulot ng Covid-19.


Idinagdag niya na napansin ng mga multilateral financial institutions ang pagpapalawig ng ekonomiya ng bansa, na naging  dahilan upang ideklara ng World Bank ang kanilang 2023 forecast mula 5.4-5.6 porsyento hanggang anim na prosyento.


Binigyang-diin ng pinuno ng Kapulungan na aktibong isinusulong ni Pangulong Marcos ang bansa bilang isang destinasyon ng pamuhunan, sa kanyang ginawang mga pagbisita sa iba’t ibang bansa.


Sa mga nasabing misyon, naitatag rin ng Pangulo ang mas maigting na ugnayang deplomatiko, pang-ekonomiya at kultural sa mga bansang kanyang binisita, kasama na ang Estados Unidos, aniya.


“He has cultivated our ties with our old, reliable ally and partner, the US, and renewed bilateral discussions with China to uphold our interests in the West Philippine Sea and our exclusive economic zone,” aniya.


Dahil sa kanyang natatanging tagumpay at ng kanyang tunay na pagmamalasakit sa mga mahihirap na mamamayan, at pambansang interes, sinabi ni Speaker Romualdez na nananatiling lubos na tanyag si Pangulong Marcos.


Binanggit niya na sa survey ng Pulse Asia noong Marso, ay 78 porsyento ng mga tumugon ay inaprubahan ang performance ng Pangulo, at 80 porsyento rito ay nagsabing nagtitiwala sila sa Punong Ehekutibo.


Sa second-quarter survey ng Publicus Asia ay ipinakita rito ang pagtaas ng antas ng pag-apruba sa Pangulo sa 62 porsyento mula sa 60 porsyento noong first quarter.


68 porsyento ng mga tumugon sa parehong survey ang nagsabi na ang bansa ay nasa wastong landas.


Sa iba pang survey na isinagawa ng OCTA Research Group sa first quarter, 54 porsyento ang nagsabi na inaasahan nila na magiging maganda ang kalidad ng buhay, na tumaas mula sa 51 porsyento mula sa nakaraang survey; samantalang 50 porsyento mula sa naunang 46 porsyento ang nagsabi na gaganda ang ekonomiya ng bansa. wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home