Friday, July 21, 2023

Pinagbibitiw ni Cagayan de Oro City 2nd District Rep. Rufus Rodriguez ang mga opisyal o miyembro ng Movie and Television Review and Classification Board o MTRCB.


panawagan ito ni Rodriguez matapos payagan ng MRTCB ang pagpapalabas ng pelikang “Barbie” na ipinagbawal sa  Vietnam dahil sa mga eksena na nagpapakita ng mapa na may nine-dash line ng China.


para kay Rodriguez, ang hakbang ng MTRCB ay nagpapakita ng kabiguan na ipaglaban ang ating national interests.


diin ni Rodriguez, ang pagpabor ng MTRCB sa kontrobersyal na pelikukang Barbie ay isang kahihiyan at pagmaliit sa Pilipinas at sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa buong international community.”


lalo pang nadismaya si Rodriguez na ang pasya ng MTRCB ay nataon pa sa paggunita ng ating panalo sa desisyon ng Permanent Court of Arbitration na pabor sa atin at kontra sa pag-aangkin ng China sa bahagi ng South China Sea.

#####wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home