Iginiit ng Philippine Amusement and Gaming Corporation o PAGCOR na hindi “luho” ang kanilang kontrobersyal na bagong logo na umani ng samu’t saring reaksyon.
Sa deliberasyon ng House Committee on Appropriations para sa panukalang 2024 budget ng PAGCOR --- nagpaliwanag si PAGCOR Chairman at CEO Alejandro Tengco sa harap ng mga mambabatas kung bakit pinalitan ang logo, kasunod ng pag-usisa ni Kabataan PL Rep. Raoul Manuel.
Ani Tengco, kumakalat kasi aniya na luho lamang ito ng chairman at board, lalo’t P3 million ang nagastos.
Pero ayon kay Tengco, nagpasya silang magpalit ng logo dahil batay sa kanilang security group ay libo ang “fake licenses” at nagagamit para sa ilegal na operasyon sa iba’t ibang bansa gaya sa Turkey, London, at dito sa Pilipinas.
Pagdating sa “deliverable” --- sinabi ni Tengco na ang PAGCOR ay nag-rebrand at dito, hindi lamang logo ang gagawin. Sa katunayan, kasama rito ang pagtitiyak ng graphic designer na makukumpleto ang trabaho, at 45 ang properties ng PAGCOR na ang size (ng logo) ay pag-aaralan ng gumawa.
Giit ni Tengco, kung tutuusin ay napaka-mura ng P3 million na ibiniyad para sa logo, at parang nagkawang-gawa rin ang designer.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home