Friday, August 18, 2023

Posibleng maulit pa ang pag-bisita ng mga kongresista sa iba’at ibang palengke para bantayan ang presyuhan ng sibuyas, bigas at iba pang pangunahing bilihin.


Sa ambush interview kay House Speaker Martin Romualdez matapos mag-ikot sa Nepa Q-Mart kasama si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo, sinabi nito na magiging palagian na ang surpise inspection sa mga pamilihan.


Aniya mahalaga na malaman nila first-hand ang presyo ng bentahan ng mga pangunahing bilihin at mapakinggan mula mismo sa mga tindero kung magkano ang bili nila sa kanilang paninda.


Una nang sinabi ni Romualdez na nagkaroon na naman ng pagtaas sa presyo ng sibuyas kahit pa naibenta na ng mga magsasaka sa wholesalers ang kanilang ani.


Kaya hindi aniya malayo na iniipit na naman ito sa mga cold storage facilities para magkaroon ng artificial na kakulangan sa suplay at tumaas ang presyo.


Pagdating naman sa bigas, ang ibinahagi aniya ng mga nagtitinda, mataas kasi sa ngayon ang presyo ng imported na bigas dahil sa mataas ang presyuhan sa pandaigdigang merkado gaya na lamang sa Vietnam at Thailand habang kulang naman ang local production ng palay.


#wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home