Friday, August 18, 2023

Nais malinawan ng PAGCOR kung saan nila huhugutin ang kanilang kontribusyon sa Maharlika Investment Fund.


Ayon kay PAGCOR Chair Alejandro Tengco nais nila malaman kung ang 10% na kanilang kontribusyon sa MIF ay manggagalin sa 50% n akita na kanilang inireremit sa pamahalaan.


Inihalimbawa nito ang 5% na franchise tax ibinabawas muna nila sa kanilang kita bago ang 50% na nakalaan para sa government share.


“dun po sa 50% nay un, humihingi po kami ng clarification ngayon, dapat po e dun kami kukuha ng mai-invest sa Maharlika Investment Fund. So kung ang tinitignan po natin sa taong 2024 ay 36 to 40 billion ang magiging contribution po  ng PAGCOR sa national treasure, so, at kung tama po ang interpretasyon namin, ay makakapag contribute kami dapat sa Maharlika Fund ng anywhere between 3.6 to 4 billion pesos.” Sabi ni Tengco


Nais din naiya nilang malinawan mula sa Department of Finance kung maaari nilang gamitin ang kanilang retained earnings para mag-invest sa MIF.


“Amin na pong tinitignan ngayon at humihingi kami ng klaripikasyon kung yun pong retained earnings naming na nasa bangko lamang ay pwede din naming i-invest doon, a certain percentage of that, to the Maharlika Fund.” Dagdag ni Tengco


#wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home