Friday, August 11, 2023

Speaker Romualdez kinilala pagsusumikap ng economic managers para maitaas antas ng pamumuhay ng mga Pinoy


Kinilala ng Kamara de Representantes sa ilalim ng pamumuno ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang pagsusumikap ng mga miyembro ng economic team ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. upang magtuloy-tuloy ang pag-unlad ng bansa at mapabuti ang kalagayan ng mga Pilipino.


Sa isang pahayag na inilabas ng tanggapan ni Speaker Romualdez, sinabi nito na ang naitalang 4.3 porsyentong paglago ng Gross Domestic Product (GDP) para sa ikalawang quarter ng 2023 at ang 5.3 porsyento na naitala sa unang semestre ng taon ay naglalaman ng mga naabot at kailangang pagtuunan ng pansin ng gobyerno.


Isa umano sa mga dapat na iprayoridad ay ang pagtaas ng presyo ng pagkain na isa sa nagpapabagal sa pag-angat ng ekonomiya ng bansa. Ang pagtugon umano rito ay magreresulta sa pagdami ng mabibiling pagkain ng mga Pilipino at paglakas ng sektor ng agrikultura.


Upang matugunan ito, tututukan umano ng Kamara ang paglalagay ng pondo sa sektor ng agrikultura para maitayo ang mga kinakailangang imprastraktura at mabigyan ng bagong kaalaman sa pagtatanim ang mga magsasaka para tumaas ang kanilang produksyon at tiyakin na hindi mabubulok ang mga ito.


Dapat din umanong masiguro na makararating ng maayos sa mga konsumer ang mga produkto sa murang halaga.


Suportado rin umano ng Kamara ang mga inisyatiba para mabantayan ang presyo at masiguro walang nagsasamantala.


Itutulak din ng Kamara ang pagrepaso sa mga polisiya kaugnay ng pag-angkat upang hindi tumaas ang presyo ng pagkain habang ginagawa ang mga hakbang para dumami ang produksyon sa bansa.


Mahalaga rin umanong matiyak na hindi naiipit ang mga pondo para sa mga kinakailangang proyekto kaya nais ng Kamara na mas mapabilis pa ang proseso.


Dapat din umanong matiyak na naaayon ang mga gagawing imprastraktura at mabibigyan ng kapangyarihan ang mga lokal na pamahalaan na magkaroon ng sariling inisyatiba.


Ang mabilis na pagpapalabas at paggamit ng Quick Response Fund sa mga biktima ng kalamidad ay importante rin umanong mapagtuonan ng pansin.


Kinikilala rin ng Kamara ang halaga ng pribadong sektor sa pagpapa-unlad ng bansa kaya dapat umanong palakasin ang Public-Private Partnership.


Malaki rin umano ang maitutulong ng sektor ng turismo at MSME sa pag-unlad ng bansa kaya dapat din itong lagyan ng pondo.


Nakikiisa umano ang Kamara sa economic managers ng administrasyon upang matugunan ang mga hamong kinakaharap ng bansa at magpapasa umano ng mga kinakailangang panukala kung kakailanganin.


Sa pamamagitan umano ng pagsasama-sama sa iisang landas ay mararating ang kaunlarang inaasam ng Pilipinas kung saan mayroong seguridad sa pagkain at matatag ang ekonomiya. wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home