Friday, August 18, 2023

Ipinababasura ni House Deputy Majority Leader at ACT-CIS PL Rep. Erwin Tulfo ang Oil Deregulation Law.


Sa kanyang naging privilege speech --- sinabi ni Tulfo na maghahain siya at mga kasamahan sa ACT-CIS party-list ng isang panukala para pormal na isulong ang pagbasura sa naturang batas.


Sinabi ng kongresista, wala na aniyang kabuluhan at walang naidudulot na maganda ang Republic Act 8479 o ang “Downstream Oil Industry Deregulation Act of 1998” na mas kilala bilang Oil Deregulation Law, at sa halip ay lalo pang nagpapahirap sa publiko.


Banat ni Tulfo, tila nalinlang o “na-onse” ang taumbayan nang maisabatas ito.


Sa ngayon, mistula aniyang nag-uusap-usap ang malalaking kumpanya ng langis kung gaano kalaki at magkano ang ipatutupad na oil price hike linggo-linggo.


Ayon kay Tulfo, hindi na nga mapagkasya ng maraming Pilipino ang kanilang kita dahil sa mataas na presyo ng mga bilihin na dulot ng sunod-sunod na pagtaas ng halaga ng produktong langis.


Kaya naman giit niya, panahon nang tuluyang ibasura ang Oil Deregulation Law at muling ibalik sa pamahalaan ang pagkontrol sa presyo ng mga produktong petrolyo sa ating bansa.


Bukod dito, isinusulong ni Tulfo na magtatag ng isang pondo na maaaring tawaging “Budget ng Bayan” para sa murang petrolyo o parang subsidiya kapag nagtaas ang presyo ng mga produkto. wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home