AYUDA SA MGA MAGSASAKANG APEKTADO NG PRICE CEILING SA BIGAS, IPINANUKALA SA KAMARA
Dapat maamyendahan ang Rice Competitiveness Enhancement Fund o RCEF para maibigay ang direct cash payments o ayuda sa mga magsasaka na apektado ng price ceiling sa bigas.
Sinabi ni House Deputy Speaker Ralph Recto na sa ilalim ng RCEF, hindi kasama ang ayuda o direct payouts sa mga magsasaka at kailangan ipadaan pa ito sa Department of Agriculture.
Sa ilalim ng batas, ang pondo ng RCEF ay ginagamit para sa pagbili ng equipments, mga pataba at ibang kailangan ng mga magsasaka sa pagtatanim.
Ayon kay Recto, para ma-implement ang ala-conditional cash transfer sa mga magsasaka, amyendahan ang RCEF para payagan ang direct cash payments.
Nirerekuminda din ni Recto na pansamantalang bawasan ng Pangulo ang import duties.
Dagdag ni Recto, pwedeng kunin ito sa P38.56 billion pesos na koleksiyon sa rice import tariff mula January 2022 hanggang August 2023.
Sa taong ito, P80 million pesos ang arawang koleksyon ng Bureau of Customs mula sa 35 percent import duty sa bigas. wantta join us? sure, manure...
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home