DRAFT 1 TAGALOG
Panukala para tiyak na masunod Islamic rites sa paglilibing ng Muslim pasado na sa Kamara
Sa botong_____ , inaprubahan ng Kamara de Representantes sa ikatlo at huling pagbasa ang panukala na titiyak na nasusunod ang Islamic rites sa paglilibing ng pumanaw na Muslim.
Ang House Bill (HB) No. 8925 (Philippine Islamic Burial Act) ay akda ng hindi bababa sa 10 kongresistang Muslim-Filipino na kumakatawan sa iba’t ibang distrito sa Kamara de Representantes.
"This measure seeks to further validate the free exercise of religion enshrined under our Constitution by allowing our Muslim brothers and sisters to bury their dead in accordance with their faith's practice, and free from any prohibition and hindrance," ani House Speaker Martin G. Romualdez, lider ng 311 miyembro ng Kamara de Representantes.
Ang mga awtor ng panukala ay sina Reps. Manuel Jose "Mannix" M. Dalipe, Princess Rihan M. Sakaluran, Mohamad Khalid Q. Dimaporo, Wilter Y. Palma, Mujiv S. Hataman, Munir N. Arbison Jr., Bai Dimple I. Mastura, Sittie Aminah Q. Dimaporo, JC Abalos, Dimszar M. Sali, Yasser Alonto Balindog, Zia Alonto Adiong, at Mohamad P. Paglas.
“Nagpapasalamat tayo sa ating mga kasama dito sa Kongreso lalong lalo na kay Speaker Romualdez dahil mabilis na naaprubahan ang panukalang ito na kumikilala sa kahalagahan ng pagpapahayag ng pananampalataya ng mga Muslim, partikular sa paglilibing ng mga yumao. Sana ay maging batas ito at maiwasan na ang hindi pagre-release sa deceased ng mga ospital dahil lamang di makabayad ng obligasyon o kung anu pa mang dahilan,” ani Hataman, isa sa mga may-akda ng panukala.
Ang panukala ay pagbibigay respeto umano ng gobyerno sa karapatan ng mga Pilipinong Muslim na agad na mailibing ang kanilang mga patay alinsunod sa tradisyon ng kanilang relihiyon at paniniwala kasama na ang paglilibing bago ang susunod na pagtatawag para magdasal.
“For burial purposes, in accordance with Islamic rites, Muslim cadavers shall be released within 24 hours by the hospital, medical clinic, funeral parlor, morgue, custodial and prison facilities, or other similar facilities, persons who are in actual care, custody of the cadaver,” sabi ng panukala.
“Non-payment of hospital bills, medical expenses, professional fees, cost of wrapping and shipment, or any other charges shall in no case be made as a reason for the withholding of the release and shipment of the cadaver,” sabi pa rito.
Papayagan naman ang pagbibigay ng promissory note para sa hindi pa nababayarang obligasyon.
Ang paglilibing ng Muslim ay papayagan din kahit na wala pang certificate of death sa kondisyon na ang pagkamatay ay iuulat ng pinakamalapit na kamag-anak o ng taong nagsagawa ng ritwal sa loob ng 30 araw mula sa araw ng paglilibing sa lokal na health officer para sa kaukulang paggawa ng death certificate at sertipikasyon ng sanhi ng pagkamatay.
Ang death certificate at sertipikasyon ng pagkamatay ay ipadadala sa Local Civil Registrar 30 araw matapos itong gawin ng health officer.
“In the absence of the authorized health officer or a duly authorized representative, the death shall be reported to the Office of the Mayor, who shall prepare the death certificate and certify the cause of death if there is no forensic interest in the remains,” sabi pa sa panukala.
Kung kakailanganin na isailalim sa otopsiya, kailangang ipaalam muna ito ng otoridad sa pamilya ng biktima bago isagawa ang pagsusuri.
“The cadaver shall be wrapped with white cloth and placed in an airtight cadaver bag or cadaver wooden box that is leak-proof and shall be zipped or closed with tapes or bandage strips,” ayon pa sa HB 8925.
Ang mga lalabag sa panukala ay makukulong ng isa hanggang anim na buwan o pagmumultahin ng P50,000 hanggang P100,000 o pareho depende sa desisyon ng korte.
Kung kompanya, korporasyon o iba pang uri ng juridical entity ang lumabag, ang papatawan ng parusa ay ang opisyal o mga opisyal nito.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home