Palalawigan ng Land Transportation Office o LTO ng isang taon ang validity o bisa ng mga driver’s license na apektado ng temporary restraining order o TRO na inisyu ng isang korte laban sa delivery at pag-proseso ng plastic ID cards.
Ito ang naging “commitment” ni LTO chief Vigor Mendoza, sa harap ng mga mambabatas sa deliberasyon ng House Committee on Appropriations sa 2024 budget proposal ng Department of Transportation o DOTr.
Bago ito ay tinanong ni House Senior Deputy Minority Leader at Northern Samar Rep. Paul Daza kung pabor ba ang LTO sa komite ukol sa isang taong pagpapalawig ng validity ng mga lisensya na hindi ma-renew dahil sa nakabinbing kaso.
Ayon kay Mendoza, kanyang kinukumpirma ang 1-year extension ng LTO.
Ikinalugod naman ito ni Daza, at sinabing “good news” ito para sa publiko lalo na maraming motorista.
Matatandaan na ang nag-isyu ang Quezon City Regional Trial Court Branch 215 ng TRO, at inatasan ang LTO na pansamantalang ihinto ang kontrata sa Banner PlastiCard, kaugnay sa 5.2 million plastic cards.
Samantala, umabot ng higit 12 oras ang deliberasyon ng House Committee on Appropriations sa panukalang 2024 budget ng DOTr.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home