Speaker Romualdez: Mas mataas, tiyak na benepisyo hatid ng bagong batas
Mas mataas at tiyak na benepisyo para sa mga may kapansanang beterano at kanilang dependent umano ang hatid ng bagong batas na nilagdaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Ito ang sinabi ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez matapos lagdaan ng Pangulo ang Republic Act (RA) No. 11958 o ang “An Act Rationalizing the Disability Pension of Veterans.”
“With the recent signing of the law increasing pension benefits for disabled veterans, a brighter future awaits those who have selflessly served our nation,” ani Speaker Romualdez, lider ng 311 miyembro ng Kamara de Representantes.
“This significant step ensures that disabled veterans will not only receive the recognition they deserve but also gain the financial support they need to lead fulfilling lives, free from the economic burden of their disabilities. It is a reaffirmation of our commitment to our heroes, demonstrating that we stand with them, providing the means for a more secure and dignified future," dagdag pa nito.
Inaamyendahan ng RA 11958 ang RA 6948 na naisabatas noon pang 1990 upang mabigyan ng mas mataas na buwanang pensyon ang mga beterano na nagkaroon ng kapansanan o karamdaman sa kanilang pagseserbisyo.
Sa ilalim ng bagong batas, itaas ang kasalukuyang pinakamababang disability pension na P1,000 kada buwan ay itinaas sa P4,500 o 350 porsyentong pagtaas.
Ang pinakamataas namang disability pension na P1,700 ay ginawa ng P10,000 o tumaas ng 488 porsyento.
“Thus, a more substantial disability pension ensures that veterans and their dependents have a reliable source of income to cover daily living expenses, healthcare costs, and other essential needs,” sabi ni Speaker Romualdez.
Ang pagtataas ng pensyon ay makatutulong din umano sa pagpapagamot ng mga may kapansanan.
“A higher disability pension provides them with the financial means to access the necessary medical treatment, adaptive equipment, and support services to improve their quality of life,” saad pa ng lider ng Kamara.
Sa ilalim ng bagong batas, kung ang disability ay rated mula 10 hanggang 30 porsyento, ang pensyon ay itinataas sa P4,500 mula sa P1,000; kung ang disability rate ay 31 hanggang 40 porsyento ang pensyon ay itinaas sa P5,300 mula sa P1,100; kung mula 41 hanggang 50 porsyento ang pensyon ay P6,100 mula sa 1,200; kung 51-60 porsyento ang disability rate ang pensyon ay P6,900 mula sa 1,300; kung 61-70 porsyento ang disability rate ang pensyon ay P7,700 mula sa 1,400; kung ang disability rate ay 71-80 porsyento ang pensyon magiging P8,500 mula sa P1,500; kung 81-90 porsyento ang pensyon ay magiging P9,300 mula sa P1,600; at kung 91-100 porsyento ang disability rate ang pensyon ay gagawing P10,000 mula sa P1,700 at dagdag na P1,000 para sa asawa at P500 sa bawat menor de edad na anak.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home