Hayaang gawin ng mga sundalo o reservist ang kanilang trabaho
Ito ang iginiit ni House deputy majority leader at Ang Probinsyano PL Rep. Alfred Delos Santos kaugnay sa ulat na panawagan ng samahan ng mga mangingisda o ng Bigkis Mangingisda Federation na bigyan ng mobile phone o iba pang kagamitan para sa intelligence at evidence-gathering ang mga mangingisda
Matapos magpahayag ang ilan sa mga Pinoy fisherman na handa silang tumulong sa gobyerno para idokumento ang mga pangyayari sa West Philippine Sea
Ayon kay Delos Santos hindi dapat ilagay sa peligro ang buhay ng mga mangingisda.
Paliwanag nito kaya nga nagpasya ang kamara na ilipat ang confidential at intelligence funds ng ibang ahensya ng gobyerno sa mga tanggapang may direktang mandato sa pagtiyak ng national security ay para sila ang mangalap ng ebidensya at intel.
Giit pa ng kongresista . ang Philippine Coast Guard ang may mandato pagdating dito at maging ang Bantay Dagat ay hindi dapat bigyan ng gampanin para sa naturang pagmamanman
Hindi rin dapat anIya i-deploy ang mga ito sa Exclusive Economic Zone dahil sakop lamang ng mga ito pagbabantay sa coastal fishing areas
Sa halip giit ni Delos Santos mas mabuting pakilusin ang mga auxiliary at military reservist ng PCG kung kailangan pa ng mas maraming tao para mangalap ng ebidensya at intelligence sa mga karagatan ng Pilipinas
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home