SIMPLENG REQUIREMENT LAMANG SA MGA TSUPER AT OPERATOR NA MAKIKIISA SA PUV MODERNIZATION, INAPELA SA KAMARA
Umapela si AGRI Party-list Rep. Wilbert Lee sa Land Bank of the Philippines (LBP) at Development Bank of the Philippines (DBP) at sa iba pang kaugnay na ahensyang pamahalaan na gawing simple lamang ang tungkol sa requirements para sa pagpapautang sa mga tsuper at operator na nais makiisa sa PUV modernization program ng gobyerno.
Sinabi ni Lee na hindi dapat pahirapan ng gobyerno ang mga ito na makapag-loan upang makabili ng modern jeepneys.
Ayon sa kanya, marami na ngang na-comply na requirements na hiningi ang LTFRB (Land Transportation Franchising and Regulatory Board) at LTO (Land Transportation Office), pati pa rin naman ba aniya ang mga bangko ay marami ang requirement na kailangang kumpletuhin.
Punto pa ng kongresista, kaya nga raw nagsusulong ng ganitong mga programa, at pinapalaki ang budget ng DOTr ay para tulungan sila at hindi pahirapan
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home