Isinusulong ni AGRI Party-list Representative Wilbert Lee ang pag-adopt sa "blue economy" bilang framework para sa ligtas na pakikinabang at sustainable development ng maritime resources ng bansa.
Ang blue economy ay isang practical ocean-based economic model na gumagamit ng green infrastructure at teknolohiya, innovative financing mechanisms at proactive institutional arrangements upang maprotektahan ang karagatan at mabawasan ang pinsala sa kalikasan.
Ipinunto ni Lee na dahil sa polusyon, climate change at pang-aabuso ay nasira ang coral reefs, mangrove forests at endangered species ng bansa na nagresulta sa banta sa food security, marine conservation at turismo.
Nauna nang inihain ng kongresista ang House Bill 8893 o ang Blue Economy Act of 2023 na magtatatag ng National Maritime Council upang mag-coordinate sa implementasyon ng pagbalanse sa paglago ng ekonomiya at pangangalaga sa kalikasan.
Ang bubuuing Council ay may mandato na lumikha ng policy framework sa Blue Economy na magsisilbing batayan para sa marine spatial planning, pagtukoy sa investments para paigtingin ang maritime domain awareness at enforcement ng economic at environmental regulations sa loob ng maritime zones.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home