Thursday, October 12, 2023

Ipatatawag ng Kamara sa isang pagdinig ang mga ahensya ng pamahalaan na pangunahing tumutugon sa sitwasyon ng mga Pilipino sa Israel.


Ayon kay House Committee on Overseas Workers Affairs Chairperson at KABAYAN Party-list Representative Ron Salo, nais nilang magkaroon ng komprehensibong briefing ang Department of Foreign Affairs, OWWA, Department of Migrant Workers at Department of National Defense.


Kasabay nito ay inihain ni Salo ang House Resolution Number 1369 upang himukin ang gobyerno na bumuo ng crisis management and response task force para tulungan ang mga Pilipinong naipit sa hidwaan ng Israel at Hamas.


Ang Task Force ay tututok sa nagpapatuloy na kaguluhan at magpapatupad ng epektibong sistema upang mahanap ang kinaroroonan ng mga Pilipino sa apektadong lugar at magbibigay ng round-the-clock updates.


Bubuuin ito ng mga opisyal ng DND, Department of Health, DSWD, DICT, OWWA, National Intelligence and Coordinating Agency at diplomatic representatives na pangungunahan ng Philippine Ambassador to Israel at Labor Attache' sa Israel.


Paliwanag ng kongresista, sa gitna ng lumalalang sitwasyon sa Israel at Gaza at napaulat na pagdukot sa ilang mga Pinoy ay marapat na agad kumilos at magpatupad ng decisive na hakbang ang gobyerno upang matiyak ang kanilang kaligtasan.


Sa latest report ng Philippine Embassy sa Tel Aviv, na-rescue na ang dalawampu sa dalawampu't anim na Pinoy na sinasabing dinukot sa harap ng nagpapatuloy na karahasan. wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home