Nais ni House Committee on Human Rights Chairman at Manila 6th district Rep. Benny Abante na maimbestigahan na rin ng Kamara ang kontrobersiya laban sa Socorro Bayanihan Services Inc. o SBSI sa Sitio Kapihan, Surigao del Norte.
Naghain si Abante ng House Resolution 1326 upang siyasatin ng mga kongresista ang mga posibleng paglabag ng SBSI sa mga karapatang-pantao ng kanilang mga miyembro.
Giit ni Abante, layon ng imbestigasyon na makatukoy din ng mga lehislasyon na titiyak ng dignidad at respeto sa mga karapatang-pantao.
Batay sa mga naunang ulat, ang SBSI na pinamumunuan ngayon ni Jey Rence Quilario o "Senyor Agila" ay may mga aktibidad na mala-kulto, at nakaka-apekto sa mga miyembro.
Halimbawa rito ang impormasyon hinggil sa matinding paghihigpit ng "Kapihan Gatekeeper" sa mga ordinaryong miyembro, at maaari lamang silang makalabas isang beses kada buwan lamang pero kailangang umuwi bago mag-4:00 ng hapon.
Habang ang mga lider at kanilang pamilya, nakakabiyahe at malaya.
Mayroon ding nasiwalat ukol sa pwersahang " early marriage" o maagang kasal sa pagitan ng mga menor-de-edad.
Pati ang karapatan ng mga bata sa edukasyon, nahahadlangan, batay sa reports ng School Division Office ng Surigao.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home