Kamara, mas palalakasin ang depensa kontra hackers
Desidido ang liderato ng Kamara de Represntantes na panagutin ang mga repsonsable sa hacking ng official webiste ng Kamara kasunod ng pagkakabawi nito Lunes ng hapon.
“The investigation into the unauthorized access is ongoing, and we are
collaborating closely with relevant law enforcement agencies. Our aim is to identify and prosecute those responsible for this breach to the fullest extent of the law,” saad ni House Secretary General Reginald “Reggie” Sagun Velasco
Matapos buweltahan ng Kamara sa mga kritisismo si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte Sabado ng gabi kaugnay sa kritisismo nito laban sa institusyon, nabago ang nilalaman ng official website ng House of Representatives o URL congress.gov.ph Linggo ng umaga kung saan makikita ang mensahe na "YOU'VE BEEN HACKED. YOU'VE BEEN HACKED. HAVE A NICE DAY” kalakip ang guhit ng isang lalaking tumatawa
Bahagi rin ng mensahe ang mga katagang: "HAPPY APRIL FULLZ KAHIT OCTOBER PALANG HACKED BY 3MUSKETEERZ 15-October-2023 || 11:31:24 AM."
Matapos i-deactivate ng isang araw ay naibalik din ang operasyon ng House of
Representatives.
“We are pleased to announce that the official website of the House of Representatives is now fully restored and operational,” ani Velasco
Siniguro naman ni Velasco na ginagawa na ng Kamara ang lahat ng pag-iingat at pagpapalakas sa depensa kontra cyberattackers. “We have taken comprehensive measures to enhance the security of our site, ensuring that it meets the highest standards of cybersecurity.” sabi pa ni Velasco
“We would like to express our gratitude to the public for their
patience and understanding during the brief interruption. We remain committed to transparency and open communication, and we have fortified our digital platforms to prevent such incidents in the
future,” ayon sa House Secretary General
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home