Friday, October 20, 2023

May ambag rin sa ekonomiya ng bansa ang pag-ikot ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair.


Sa interview ng local media kay Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos, sinabi nito na noong nakaraang quarter, isa sa lumabas na hamon sa economic growth ng bansa ay ang underspending o mababang paggastos ng pamahalaan.


Kaya naman kung madadala ang Bagong Pilipinas Serbisyo Fair sa iba pang mga probinsya ay isa itong ‘avenue’ para maglabas ng pera ang gobyerno at gumastos.


Sa paraang ito, umaasa ang House Senior Deputy Majority leader na mas gaganda ang numero ng ating ekonomiya sa susunod na quarter.


“And actually, maganda din yun kasi if you will look at the one of the ‘problematic’ indicators sa economic growth for the last quarter is hindi daw gumagastos yung gobyerno, underspending. So if you look at the Bagong Pilipinas Fair, it’s actually another avenue para gumastos and gobyerno. So it means ginagamit na nial yung pondo which is a good sign and hopefully it will lead to more healthy economic growth numbers in the coming quarter.” paliwanag Marcos


Muli nitong iginiit ang hangarin ng Pang. Ferdinand R. Marcos Jr. na madala sa iba pang panig ng bansa ng BPSF matapos ang matagumpay nitong paglulunsad nitong Setyembre.


Katunayan, sa mga susunod na weekend aniya ay iikot ito sa kada dalawang probinsya.


“As the President said, natutuwa siya na nangyari sa mga iba’t ibang probinsya. Ang gusto niya dapat sa buong Pilipinas mangyayari. So if you look every weekend this month, I think may dalawang probinsya na pupuntahan yung fair. So we’re gonna do that until lahat ng probinsya mapupuntahan nila.” saad ng kongresista.


#wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home