Nais ni Las PiƱas Rep. Camille Villar na magkaroon ng dental units sa 2,597 rural health unit sa buong Pilipinas
Ito ang nakasaad sa nakabinbing House bill 9343 ng mambabatas upang mahikayat ang publiko na ipakonsulta sa mga dentista ang kanilang mga ngipin o gums
Ayon kay Villar ang dental health problems kasi ay may epekto rin sa kalidad ng buhay ng mga Pilipino maging sa imahe ng isang tao at tiwala nito sa kanyang sarili
Bukod pa rito tuwing nakararanas aniya ng dental disease ang isang indibidwal madalas na hindi ito nakapapasok sa paaralan o trabaho
Pinunto rin ng kongresista ang datos mula sa Department of Health o DOH na nagpapakita na maraming mga bata at matatanda ang may dental health problems gaya ng pagkabulok ng ngipin at gum disease
Maituturing din ani Villar na silent epidemic ang naturang sakit gayong batay sa 2018 National Survey on Oral Health 72% ng mga Pilipino ang may dental caries o yung may cavity sa ngipin at 43% naman ang may gum disease
Oras na maisabatas ang panukala , bubuuin ang naturang unit ng mga pampublikong dentista at barangay health workers na siyang magsisilbing dental aide .
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home