2Speaker Romualdez ikinatuwa pahayag ng IMF sa inaasahang paglago ng ekonomiya
Ikinatuwa ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang pahayag ng bumisitang grupo mula sa International Monetary Fund (IMF) na nagsabing inaasahan nito ang mabilis na paglago ng ekonomiya sa huling semestre ng taon at sa susunod na taon.
Nakapagtala ang bansa ng 4.3 porsyentong paglago sa gross domestic product ng bansa sa ikalawang quarter ng taon dahilan upang maitala ang 5.3 porsyentong GDP growth sa unang semestre ng 2023, mas mababa sa inaasahan ng economic manager na 6-7 porsyentong paglago.
Kumpiyansa naman ang mga economic manager na maaabot pa rin ng bansa nag kanilang inaasahan.
Sa pakikipagpulong kay Romualdez noong Miyerkoles, sinabi ng IMF team na pinangungunahan ni mission chief Mr. Jay Pereis na inaasahan nito na makakahabol pa ang paglago ng ekonomiya ng bansa sa huling bahagi ng 2023. Kanila rin umanong inaasahan ang mas mabilis na pag-unlad ng ekonomiya ng bansa sa susunod na taon.
“This forecast is not only encouraging but also a testament to the resilience and hard work of our nation's people, as well as the sound economic policies and reforms implemented by the administration of President Ferdinand R. Marcos, Jr.,” ani Speaker Romualdez.
“This positive outlook from the IMF should serve as motivation for us all to redouble our efforts in revitalizing our economy. It is a reminder that our nation has the potential to rebound and emerge stronger from any adversity,” dagdag pa ng lider ng Kamara na may 310 miyembro.
Ayon sa IMF team makatutulong sa paglago ng bansa ang inaasahang pagpasa ng panukalang 2024 budget bago matapos ang taon at ang mga batas at panukala na makakahatak ng mga dayuhang mamumuhunan.
Ang pagsasabatas umano ng panukalang budget sa oras ay mangangahulugan na agad na maipatutupad ang mga proyekto sa unang bahagi pa lamang ng 2024.
Binanggit naman ng IMF team na ang pagsasabatas ng Foreign Investment Act, Retail Trade Liberalization Act, at Public Services Act ay makakahatak ng dagdag na mamumuhunan sa bansa.
Makakaakit din umano ng mga mamumuhunan ang pagsasabatas ng mga panukalang pag-amyenda sa Build-Operate-Transfer (BOT) /Public-Private Partnership (PPP) Act, at Fiscal Regime for the Mining Industry Act.
Ayon sa IMF ang panukalang pagbubuwis sa pagmimina ay makatutulong upang madagdagan ang pondo ng gobyerno habang napananatili nito ang pagiging competitive ng bansa.
Ang Pilipinas ay ikalimang pinaka-mineralized country sa mundo at tinatayang US$1 trilyon ang hindi pa nakukuhang mineral dito gaya ng ginto, nickel, zinc, cooper at silver.
Sinabi ni Speaker Romualdez na mahalaga rin na mapaganda ang kakayanan ng bansa na magproseso ng mga miniminang mineral.
Ayon sa IMF team magandang ideya rin para sa Pilipinas kung palalakasin ang kaalaman ng mga mamamayan sa paggamit ng Artificial Intelligence, lalo na sa Business Process Outsourcing (BPO) industry kung saan mayroong competitive advantage ang bansa.
Inirekomenda rin ng IMF team na lalo pang pagandahin ang regulasyon kaugnay ng pagproseso ng mga permit at kinakailangang dokumento sa pagnenegosyo.
“We understand that there is still work to be done to ensure this projection becomes a reality. The government will continue to focus on policies that promote economic stability, job creation, and sustainable growth,” sabi pa ni Romualdez.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home