Thursday, October 12, 2023

Tinawag na “fake news” ng mga miyembro ng small committee ng Kamara ng alegasyon na mayroong confidential funds ang Mababang Kapulungan.


Sa isang pulong balitaan, tahasang pinabulaanan ni House Committee on Appropriations chair at Ako Bicol PL Rep. Elizaldy Co ang lumabas na ulat, at sinabing fake news ito.


Sinabi naman Appropriations senior vice chairperson Stella Quimbo na walang confidential funds ang Kamara.


Aniya, ang lumabas na P1.6 billion na halaga ay “extraordinary expenses.”


Inihalintulad ito ni Quimbo sa expenses sa panahon ng kalamidad.


Nilinaw din ni Quimbo, “fully auditable” o na-o-audit ang extraordinary expenses, taliwas sa confidential funds na hindi na-o-audit. wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home