Kamara binigyang kredito ni Speaker Romualdez sa mataas na rating na nakuha
Nagpasalamat si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa mga Pilipino sa mataas na trust at performance rating na nakuha nito subalit sinabi na ang mga miyembro ng Kamara de Representantes ang dapat na bigyan ng kredito dahil sa kanilang pagsasama-sama at dedikasyon na mapabuti ang kalagayan ng mga Pilipino.
“These ratings are not just numbers. They mirror the dedication and teamwork of the hardworking members of the House," ani Speaker Romualdez, lider ng mahigit 300 miyembro ng Kamara. "Every decision made, every bill passed, is a result of our united efforts to serve the Filipino people."
Pinuri rin ni Speaker Romualdez ang kahalagahan ng survey bilang instrumento sa magandang pamamahala.
“Surveys like OCTA’s are more than just statistics. They are indicative of the people's sentiments on pressing issues, providing us with insights that are crucial in shaping our legislative priorities," saad ng lider ng Kamara.
Binigyan-diin ni Speaker Romualdez ang kahalagahan na marinig ang boses ng publiko.
“We view these feedback mechanisms as essential guides. They help us align our legislative work with the needs and aspirations of the Filipinos," sabi pa nito.
Matatandaan na kamakailan ay pinangunahan ni Speaker Romualdez ang pagsasagawa ng mga inspeksyon sa mga warehouse ng bigas upang mahanap ang suplay na sadya umanong hindi inilalabas upang tumaas ang presyo nito.
"Our focus remains on addressing the pressing issues that affect our countrymen and ensuring that we remain transparent, accountable, and responsive to their needs," dagdag pa nito.
Nangako si Speaker Romualdez na gagamitin ang survey upang mas mapaganda ang ginagawa ng Kamara.
"Backed by the unwavering support and commitment of our dedicated House members, we'll continue to prioritize the initiatives that truly echo the desires of our people," saad pa ng lider ng Kamara.
Nagbigay galang din si Speaker Romualdez sa iba pang nagbibigay ng serbisyo publiko at sa kanilang papel sa mabuting pamamahala.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home