Thursday, October 26, 2023

Bahagi ng repatriation process ng pamahalaan sa mga kababayang nating OFW sa Israel ang pagsiguro na maayos ang kanilang pakikipag-hiwalay mula sa kanilang mga employer.


Sa pulong na ipinatawag ng House Committee on Overseas Workers Affairs, sainabi ni DMW OIC Usec. Hans Cacdac na mahalagang magkaroon ng maayos na pagkakaunawaan ang OFW at kaniyang employer na uuwi ito ng Pilipinas.


Ito aniya ay para hindi ito ituring na abandonment of duty.


Sa paraang ito ani Cacdac, oras na humupa na ang tensyon sa Israel ay malayang makakabalik ang OFW sa kaniyang employer.


“Sa Israel sinisiguro natin dun sa mga returnees na positive ang paghihiwalay nila with their respective elderly employers. Ibig sabihin tanggap ng employers na kailangan nang umuwi yung kababayan natin, walang abandonment of duty. Which means pag humupa ang sitwasyon may mababalikan pa ho silang trabaho.” sabi ni Cacdac


Sa kabuuan, limampu’t siyam na Pinoy migrant workers na mula Israel ang nagbalik bansa dahil sa patuloy na kaguluhan doon


#wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home