Apela kay Duterte: Huwag intrigahin AFP, PNP
Umapela si House Majority Leader Manuel Jose Dalipe kay dating Pangulong Rodrigo Duterte na huwag intirgahin ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) na magdudulot lamang ng pagkuwestyon sa propesyunalismo at pagiging neutral ng mga ito.
Kasabay nito, sinabi ni Dalipe na ang mga pahayag ni Duterte kaugnay ng sinasabi nitong ambisyon ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez na maging pangulo ay walang basehan at hindi napapanahon.
Ayon sa mambabatas malayo pa ang presidential elections at hindi nagsasayang ng oras si Speaker Romualdez upang agad na maipasa ang mga panukalang prayoridad na maisabatas ng administrasyong Marcos para mapabuti ang kalagayan ng bansa.
Sinabi ni Dalipe na ang pahayag ni Duterte na ang AFP at PNP ay sumasali sa mga politikal na aktibidad ay hindi patas para sa mga opisyal at enlisted personnel na nagtatrabaho upang maibalik ang kredibilidad at mataas na antas ng propersyunalismo sa kanilang hanay.
Bilang isang dating pangulo at inirerespetong statesman, sinabi ni Dalipe na ang dapat unahin ni Duterte ay ang kapakanan ng bansa at hindi ang interes nito sa pulitika at hayaan ang AFP at PNP na magawa ang kanilang mandato at hindi kinakaladkad sa pamumulitika.
"I respectfully appeal to former President Rodrigo Duterte to recognize the paramount importance of keeping our Armed Forces and National Police free from partisan politics. These institutions serve as the bedrock of our nation's security, and their effectiveness relies on unity and impartiality," ani Dalipe.
“We have already achieved so much in our quest to professionalize our military and police service. Let us not squander what we have accomplished by putting the AFP and the PNP in a bad light because of these baseless statements,” dagdag pa ng lider ng Kamara.
Sinabi ni Dalipe na ang tapos na ang panahon ng military adventurism at nakatuon ang atensyon ngayon ng AFP at PNP upang magampanan ang kanilang mandato sa ilalim ng Konstitusyon at maging sandigan ng demokrasya ay soberanya ng bansa.
“The AFP and the PNP have more important things to do than watching Congress, as claimed by the former President. Our uniformed service must be insulated from partisan activities and should maintain the highest degree of professionalism. Huwag na sana niyang idamay ang AFP at PNP,” sabi pa ni Dalipe.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home