VP Sara hindi pinagkakaisahan sa Kamara para ma-impeach…
-Tulfo
…
Wala umanong pagkakaisa sa Kamara na i-impeach si Vice President Sara Duterte.
ayon kay ACT-CIS Party-list Rep. Erwin Tulfo, ang isinusulong ni House Speaker Martin Romualdez ay mapanatili ang pagkakaisa para makamit ang layunin ni Pangulong Bongbong Marcos na mapabuti ang kalagayan ng bansa.
Itinanggi rin ni Tulfo na may mga personalidad na identified kay Speaker Romualdez ang nagsama-sama para banggain si VP Sara.
Sabi ni Tulfo, minabuti niya na itanong sa liderato ng Kamara kabilang si Congressman Elizaldy Co, Chairman ng House Appropriations Committee kung may katotohanan ang naturang isyu na agad namang pinabulaanan ni Co.
Ang komite ni Co ang nagdesisyon na ilipat ang P650 million pesos na confidential funds ng Office of the Vice President at Department of Education sa mga security agency sa gitna ng tensyon sa West Philippine Sea.
Una rito, sinabi ni Deputy Minority Leader at ACT Teachers Party-list Rep. France Castro na mayroon umanong mga mambabatas na nag-uusap-usap tungkol sa posibleng impeachment laban kay Vice President Duterte.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home