Friday, November 17, 2023

MGA BAGONG MIYEMBRO NG KAPULUNGAN SUMAILALIM SA EXECUTIVE COURSE PARA SA PAGGAWA NG BATAS 


Apat na pinakabagong mambabatas ng Kapulungan ng mga Kinatawan ngayong Huwebes ang dumaan sa Executive Course on Legislation (ECL) para sa mga miyembro ng Ika-19 na Kongreso. 


Sila ay sina Rep. Crispin Diego Remulla (7th District, Cavite), Rep. Erwin Tulfo (Partylist, ACT CIS), Rep. Rosemarie Conejos Panotes (2nd District, Camarines Sur), at Rep. Roberto Uy Jr. (1st District, Zamboanga del Norte). 


Ang ECL ay inorganisa ng tanggapan ni Secretary General Reginald Velasco, katuwang ang University of the Philippines-National College of Public Administration and Governance (UP-NCPAG) Center for Policy and Executive Development (CPED), upang matulungan ang mga bagong luklok na Kongresista na mas epektibong magampanan ang kanilang mga tungkuling pambatasan. 


Tinalakay ni United States Agency for International Development (USAID) Regulatory Reform Support Program for National Development (RESPOND) Team Leader at NCPAG Lecturer, Dr. Gilberto Llanto ang mga konsepto, mga pahiwatig, at diskarte sa pag-unlad, gayundin ang mga napapanahong usapin at hamon sa Philippine Development and Public Policy, na naglalayong magbigay ng gabay sa mga bagong miyembro ng Kapulungan. 


Masusing tinalakay ni Committee Affairs Department (CAD) Deputy Secretary General (DSG) Jennifer "Jef" Baquiran ang proseso ng badyet na isa sa mga mandato ng konstitusyon sa Kapulungan. 


Binanggit din niya ang mga nangyayari sa loob ng iba't ibang Komite ng Kapulungan. Ipinaliwanag ni Legislative Operations Department (LOD) DSG Atty David Robert Amorin ang proseso ng paggawa ng batas, gayundin ang mga patakaran at pamamaraan ng parlyamentaryo, kung saan binigyang diin niya ang tatlong pangunahing alituntunin: 1) igalang ang panuntunan ng nakararami; 2) protektahan ang mga karapatan ng minorya; at 3) ipagtanggol ang karapatan ng bawat miyembro. 


Ipinamalas ni Legislative Information Resources Management Department (LIRMD) DSG Dr. Edgardo Pangilinan, Ph.D., ang isang video presentation na naglalarawan sa mga serbisyong suporta ng Secretariat ng Kapulungan, upang tulungan ang mga mambabatas sa kanilang gawaing pambatasan. 


Tiniyak ni UP NCPAG Dean Dr. Kristoffer Berse sa mga bagong kongresista na binago at pinasadya ang mga kurso, upang maging angkop sa pangangailangan ng mga kasalukuyang mambabatas. 


Kabilang sa iba pang mga paksang tinalakay sa ECL ay tungkol sa: 1) legislative ethics at accountability ni UP NCPAG Professorial Lecturer Atty Alder Delloro; 2) pakikipag-ugnayan sa mamamayan, mga nasasakupan, at adbokasiya ni Ateneo de Manila University Associate Prof. Maria Elissa Lao, DPA; at 3) media at basic cyber security at online hygiene ni UP College of Mass Communication (CMC) Prof. Dr. Rachel Khan. 


Naroon din si Administrative Department OIC-DSG Atty Jennelyn Go-Sison. wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home