Friday, November 17, 2023

Mas pinalakas na seguridad, dagdag na oportunidad pang ekonomiya hatid ng muling pagkikita nina PBBM, US VP Harris -Speaker Romualdez



Panibagong pagkakataon para mas mapalakas ang seguridad ng Pilipinas at makapagbukas ng pintuan ng oportunidad na pang ekonomiya ang hatid ng bilateral meeting nina Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. at US Vice President Kamala Harris, ayon kay Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez.


Nagkita sina Pang. Marcos at Vice President Harris Miyerkules (oras sa Amerika), bago ang pagsisimula ng 2023 Asia Pacific Cooperation Summit sa San Francisco, California sa United States. 


Sa naturang pulong muling tiniyak ng dalawang lider na matatag ang alyansa ng Estados Unidos at Pilipinas at kanilang tinalakay ang mga hakbang para paigtingin ang ugnayang pang seguridad at palawakin ang commercial at economic cooperation ng dalawang bansa.


“The successful bilateral meeting between President Ferdinand R. Marcos, Jr. and US Vice President Kamala Harris, a testament to the enduring strength of the alliance between the United States and the Philippines,” sabi ni Speaker Romualdez.


“Of paramount importance is the reaffirmation during their meeting of our shared commitment to upholding international rules and norms, particularly in the South China Sea,” dagdag pa nito.


Ani Speaker Romualdez, ang bawat pagkakataon ay kinukuha ni Pangulong Marcos upang maka-usap ang mga kapwa lider para maisulong ang interes ng Pilipinas.


Ang pagkikita nina Pang. Marcos at Vice President Harris ay kasunod ng panibagong insidente ng agresibong aksyon ng China sa South China Sea kung saan ginamitan ng barko ng Chinese Coast Guard ng water cannon at binangga ang mga sasakyang pandagat ng Pilipinas habang patungo sa Ayungin Shoal upang maghatid ng suplay sa mga sundalong nakadestino sa BRP Sierra Madre. 


Ipinakita aniya nina Pang. Marcos at Vice President Harris sa bilateral meeting ang pagkakaisa para itulak ang pagtalima sa rules-based order at proteksyon ng karapatan ng mga bansa sa rehiyon.


Isa ring signipikanteng resulta ng pulong, ani Speaker ay ang pagpapalawak ng ugnayang pang komersyo at ekonomiya.


“Pres. Marcos and Vice President Harris recognize the potential for mutual growth and prosperity through collaboration, fostering economic opportunities that will benefit both nations and their people,” sabi ni Speaker Romualdez, lider ng 300-higit na kongresista


Batay sa kalatas na inilabas ng White House, inanunsyo ni Vice President Harris ang panibagong pakikipagsosyo ng Pilipinas para mapaunlad at mapabilang sa global semiconductor ecosystem sa ilalim ng International Technology Security and Innovation (ITSI) Fund, na binuo salig sa CHIPS Act of 2022.  


Una nang tiniyak ni Pang. Marcos sa Semiconductor Industry Association (SIA) sa US na handa ang mga ahensya ng pamahalaan ng Pilipinas at pribadong sektor na makipagtulungan sa naturang asosasyon sakaling mamuhunan o palawigin ng mga ito ang kanilang negosyo sa Pilipinas.


Aniya hangad ng Pilipinas na makibahagi sa US semiconductor value chain sa ilalim ng CHIPS Act at ng Executive Order ni US President Joe Biden na makipag-ugnayan sa mga kaalyadong bansa para mapalakas at mapatatag ang kanilang supply chain.


Sa pagpapalawig ng US ng kanilang front-end wafer capacity para  advanced technologies and products sa ilalim ng CHIPS Act, inihayag ni Pang. Marcos ang kahandaan ng Pilipinas na kunin at sagutin ang dagdag na assembly o pagbuo, packaging o pagbabalot at testing o pagsubok na kakailanganin ng produkto.


“US investments into the semiconductor sector will create more jobs for our people, generate considerable revenue for the government, and advance our capabilities with the transfer of technology through such partnership,” wika ni Speaker Romualdez. 


Dahil ang Pilipinas ay matagal nang bahagi at haligi sa pandaigdigang electronics value chain at isa sa pinakamahusay pagdating sa electronic manufacturing services, kumpiyansa si Romualdez na ang Pilipinas ang pinamakainam na investment choice ng mga semiconductor business ng Amerika.


Nasa Pilipinas ang nasa 500 kumpanya ng semiconductors at electronics kabilang ang pito sa 20 nangungunang chipmakers. Ito ang Texas Instruments, Philips, Fairchild, Analog, Sanyo, On Semi, at Rohm. (END) wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home