Inilatag na ng Kamara ang talaan ng mga ahensya ng pamahalaan na nakinabang sa realignments sa ilalim ng 2024 General Appropriations Bill.
Ang naturang realignments ay nagkakahalaga ng mahigit 194 billion pesos na bahagi ng institutional amendments sa proposed budget.
Pinakamalaki ang inilaan ng Kongreso sa Department of Agriculture at sa attached agencies nito na may 64.5 billion pesos.
Kabilang sa mga programang pinondohan ang rice subsidy, pagtatayo ng pump irrigation, massive planting program at pagbili ng coconut seednuts at fertilization at konstruksyon ng fishery at post harvest facilities sa Kalayaan Group of Islands.
43.9 billion pesos ang tatanggapin ng Department of Health para sa Medical Assistance to Indigent Patients, Specialty at Legacy Hospitals, Cancer Assistance Program at Communicable Diseases.
Samantala, bahagi naman ng 1.2 billion pesos na tinapyas mula sa confidential at intelligence funds ng civilian agencies ang inilipat sa Philippine Coast Guard para sa ammunition at intelligence fund na nagkakahalaga ng 200 million pesos.
300 million pesos ang ipagkakaloob sa National Intelligence Coordinating Agency, 100 million pesos sa National Security Council , 351.8 million pesos para sa Airport Development at expansion ng Pag-asa Island Airport.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home