Monday, November 06, 2023

PBBM hinimuk na magtalaga na rin ng permanenteng kalihim ng DWM…


… 


Dahil sa patuloy na Israel-Hamas conflict, panahon na para magtalaga si Pangulong Bongbong Marcos ng permanenteng kalihim ng Department of Migrant Workers.


Ito ang apela ni House Minority Leader at 4P’s Partylist Representative Marcelino Libanan matapos magdesisyon si Pangulong Marcos na bakantehin ang posisyon bilang Agriculture Secretary at magtalaga ng permanenteng kalihim sa katauhan ng negosyanteng si Francisco Tiu Laurel Jr.


Ayon kay Libanan, ang patuloy na giyera sa pagitan ng Israel at Hamas ay naglalagay sa panganib sa ating mga kababayan doon.


Sabi ni Libanan, kailangan ang permanenteng kalihim sa ganitong sitwasyon para mabilis na mailatag ng DMW at Department of Foreign Affairs ang ipatutupad na contingency plans.


Nabakante ang posisyon ng kalihim ng DMW dahil sa pagpanaw noong August 22 ni Secretary Susan “Toots” Ople.


Sa ngayon, ang DMW ay pinamumunuan ni Hans Leo Cacdac bilang Officer In Charge. wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home