Monday, November 06, 2023

Kinalampag ni House Speaker Martin Romualdez ang mga otoridad na mapanagot ang mga nasa likod ng karumal-dumal na pagpatay sa radio host na si Juan Jumalon na mas kilala bilang "DJ Johnny Walker" ng 94.7 Calamba Gold FM. 


Hiling ni Romualdez na maparusahan at mapanagot sa batas ang mga responsable sa krimeng ginawa laban sa mamamahayag. 


Giit ng Speaker, anumang pagatake o karahasan laban sa media ay hindi katanggap-tanggap at lubos na nakakabahala. 


Samantala, mensahe naman ni Romualdez sa mga Filipino journalists, mahalaga ang kanilang tinig at mga storya at ang bawat mamamahayag ay may karapatang tuparin ang kanilang propesyon na hindi natatakot para sa kaligtasan ng kanilang buhay. 


Patuloy aniyang isusulong ng Kamara ang seguridad at karapatan ng mga taga media na isakatuparan ang kanilang tungkulin ng hindi napapahamak. wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home