Tiniyak ni House Appropriations Committee Chairman at AKO BICOL Party-list Representative Elizaldy Co na walang bahid ng korapsyon ang bersyon ng Kamara ng 2024 proposed national budget.
Ayon kay Co, makakaasa ang publiko na transparent at accountable ang mga na-realign na pondo sa ilalim ng General Appropriations Bill.
Alinsunod din aniya ito sa direktiba ng Korte Suprema na buwagin ang pork barrel system kaya ang bawat pisong magagasta ay tutugon sa pangangailangan ng bansa at magsisiguro sa kapakanan ng mamamayan.
Paliwanag ni Co, hindi umano nila hahayaan na maisasantabi ang mga Pilipino sa mga hamon sa ekonomiya lalo na sa global inflation.
Ito ang dahilan kaya ang mahigit 194 billion pesos na realigned funds ay ipinuhunan umano sa security sector at social services.
Sa ngayon, iginiit ng kongresista na nasa poder na ng Senado ang pagtitiyak na magbubunga ang pagsisikap ng gobyerno at mapoprotektahan ang kaunlaran ng bansa.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home