Friday, November 24, 2023

Lusot na sa deliberasyon ng committee level sa Kamara ang panukalang batas na magbibigay ng access sa mahihirap na pamilya para sa abot-kaya at disenteng kabaong at funeral services.


Batay sa House Bill 102 o ang “Affordable Casket Act” na inihain ni Deputy Speaker Duke Frasco, lahat ng funeral parlor ay dapat tiyaking available ang disenteng ataul na hindi hihigit sa dalawampung libong piso ang halaga.


Sa pagdinig ng House Committee on Trade and Industry ay napagkasunduan din na ang price cap na 20,000 pesos ay hindi lamang kabaong kundi kasama rin ang funeral services.


Sa sandaling maisabatas, sakaling walang available na murang kabaong at nasertipikahan ng Barangay o social worker na indigent ang namatay, oobligahin ang punerarya na mag-alok ng mas mahal ang presyo ngunit hindi pa rin lalampas sa 20,000 pesos ang babayaran.


Ang sinumang lalabag dito ay pagmumultahin ng 200,000 hanggang 400,000 pesos o maaaring i-revoke ang business permits o lisensya ng punerarya.


Sinabi ni Frasco na ang karaniwang presyo ng ataul sa kasalukuyan ay mula 5,000 hanggang 110,000 pesos kung saan limitado o hindi available ang mas mura sa funeral parlors.


Bilang dating alkalde ng Liloan sa Cebu, nakita umano ng kongresista ang bigat ng problema ng mahihirap na pamilya na sa kagustuhang maiburol nang disente ang mahal sa buhay ay napipilitang gumastos nang malaki at nababaon sa utang. wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home