Monday, November 06, 2023

PROTEKSIYON SA NATIONAL INTEREST NG PAMAHALAAN SA WPS, TINIYAK NI SPEAKER ROMUALDEZ

Tiniyak ni Speaker Martin Romualdez ang pagbibigay ng proteksyon ng gobyerno sa national interest nito sa West Philippine Sea WPS.


Ito ay matapos magbigay ng mensahe si Japan Prime Minister Kishida Fumio sa Kongreso ng Pilipinas na seryoso ang Japan bilang partner ng Philippine governmet  pagdating sa mga isyu ng security at defense cooperation.


Sinabi ni Speaker Romualdez na ang pahayag ni Kishida ay patunay na ang Japan ay maasahan, masigasig at matatag na katuwang ng bansa sa pangangalaga ng kaayusang internasyunal.


Ayon pa kay Romualdez, kasama ng mga nagkakaisang mga bansa tulad ng Estados Unidos, umaasa siya na mas magiging matibay pa ang kooperasyon sa pagitan ng Japan at Pilipinas.


Samantala, pinasalamatan din ng Speaker ang Prime Minister sa kagandahang-loob at pagiging tunay na kaibigan ng Japan kasunod ng anunsyo ni PM Kishida na magdo-donate ito ng 12 barko sa Philippine Coast Guard (PCG) at warning and control radar sa Philippine Air Force (PAF).


Kasabay nito ay tiniyak ni Romualdez ang pagbibigay suporta ng Kamara sa Coast Guard, Navy at Armed Forces ng bansa upang mapagtibay ng husto ang karapatan ng Pilipinas sa Kalayaan Island Group.

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home