Susuportahan ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang lahat ng hakbang upang matiyak ang pagpapalaya sa mga tripulanteng Pilipinong binihag ng rebeldeng Houthi sa Red Sea.
Ayon kay Speaker Martin Romualdez, nakikipagtulungan na ang Kamara kay Pangulong Bongbong Marcos upang i-monitor ang kaligtasan at kapakanan ng labimpitong marino na kasama sa binihag ng Houthi sa isang barko na patungo sana sa India.
Nanawagan din si Romualdez sa international community na makiisa sa pagkondena sa naturang uri ng pamimirata at tumulong sa kahit anong paraan upang maresolba ang krisis.
Kailangan aniya ng agaran at tutok na atensyon ang pangyayari lalo't nakababahala ang sitwasyon ng Pinoy seafarers.
Galing sa Turkey ang barko na may mga tripulante mula sa iba't ibang bansa kabilang ang Piipinas, Bulgaria, Ukraine, Mexico at Romania.
Naniniwala naman si House Committee on Overseas Workers Affairs Chairman Ron Salo na mahalaga ang papel ng ugnayan sa international bodies upang lumikha ng "diplomatic pressure" at impluwensiya tungo sa mapayapang resolusyon ng insidente.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home