Ibinunyag ni Speaker Martin Romualdez na pinag-aaralan ng Kamara ang paglulunsad ng "people's initiative" na siyang tutukoy kung paano pagbobotohan ng dalawang kapulungan ang mga panukala na aamiyenda sa 1987 Constitution.
Ayon kay Romualdez, bagama't nakasaad sa Saligang Batas ang tatlong paraan upang maamiyendahan ito ay hindi binanggit kung dapat bumoto nang magkasama o magkahiwalay ang Kamara at Senado.
Ipinaliwanag ni Romualdez sa ginanap na Philippine Economic Forum sa Iloilo na nagkaroon ng "procedural problems" sa pag-amiyenda sa Konstitusyon.
Bilang tugon ay magkakasa aniya ng all-party leaders' caucus upang tugunan ang procedural gap at mapag-usapan kung paano babaguhin ang 1987 Constitution.
Sinabi ng House leader na irerekomenda nila ang "people-centered initiative" upang magkaroon na ng linaw ang pamamaraan sa pagpapasya ngunit kung sa usapin ng pag-amiyenda ay mas gusto nito ang constituent-assembly.
Kapag naisakatuparan ay maluluwagan umano ang restrictions sa foreign ownership ng mga industriya at public utilities na sa kasalukuyan ay limitado sa 40 percent.
Binigyang-diin pa ni Romualdez na pinakamahigpit ang Philippine Constitution sa rehiyon kaya target nilang makipagtulungan sa economic managers upang ma-regulate ang ekonomiya.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home