Wednesday, January 03, 2024

Binigyang-diin ni House Appropriations Committee Senior Vice Chairperson at Marikina City Representative Stella Quimbo na napapanahong palakasin ang health system upang mabilis na matugunan ang anumang pandemya na tatama sa hinaharap.


Ito’y matapos magawang bawiin ang deklarasyon ng State of Public Health Emergency sa Pilipinas noong Hulyo ng nakaraang taon.


Ayon kay Quimbo, mahalaga ang pagtatayo ng matatag na healthcare infrastructure at pagtitiyak na sapat ang Human Resources sa sektor ng kalusugan. 


Suportado aniya ito ng 6.2 percent na pagtaas ng pondo para sa Health Facilities Enhancement Program ngayong taon.


Ngunit bukod sa manpower at imprastraktura, naniniwala ang mambabatas na mayroong dapat gawin para solusyunan ang problema sa healthcare finance kaya napipilitan ang mga Pilipino na gumastos.


Kasabay nito, inihain ni Quimbo ang House Resolution 1436 na layong i-convene ang Joint Congressional Commission of Health Systems at i-review ang kasalukuyang health system.


Mababatid na mula sa 194 billion pesos na realigned confidential funds sa ilalim ng 2024 General Appropriations Act, 43 billion pesos ang inilaan ng Kongreso sa mga programa ng DOH kabilang ang Health Facilities Enhancement Program. wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home