MALAKING BALITA NGAYONG 2024 HINGGIL SA LARANGAN NG PALAKASAN, INAASAHAN SA KAMARA
Umaasa si Manila Third District Rep. Joel Chua na kasama din sa magiging malalaking balita ngayong 2024 ang patungkol sa larangan ng palakasan at kultura.
Sinabi ni Chua na ito ay dahil kailangang maging puspusan na ang preparasyon ng Pilipinas para sa Paris Olympics.
Kumpyansa si Chua na mangunguna sa Paris Olympics para sa Pilipinas sina
pole vaulter EJ Obiena at world champion gymnast Carlos Yulo.
Kaugnay nito ay umaasa si Chua na makakapagpatupad ng kinakailangang reporma ang Samahang Basketbol ng Pilipinas at Philippine Basketball Association.
Bukod dito ay binigyang diin ni Chua na marami namang mga festivals ang hindi naisagawa nitong mga nakaraang taon ang mainam ng maisakatuparan.
Pangunahing tinukoy ni Chua na ipagdiriwang ng mga Pilipino sa simula pa lang ng 2024 ay ang Traslacion ng Poong Hesus Nazareno sa kanyang distrito sa Quiapo, Maynila na masusundan pa ng deklarasyon ng Quiapo Church bilang National Shrine sa January 29.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home