Wednesday, January 03, 2024

KUMPIYANSA SI SPEAKER ROMUALDEZ NA MAGIGING MASAGANA ANG 2024 SA ILALIM NG PAMUMUNO NI PBBM

Malaki ang kumpiyansa ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez na magiging masagana ang hinaharap ng bansa ngayong 2024 sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr.


SInabi ni Romualdez na ito ay dahil ang pananaw ni Pangulong Marcos ay umaayon sa hangad na pag-unlad ng lahat.


Tiwala din si Romualdez na ngayong taon ang simula ng panahon ng pagyabong, katatagan at tagumpay.


Bunsod nito ay hinihiling ni Romualdez sa bawat isa na magtulungan at maglingkod sa kapwa.


Sabi ni Romualdez, ito ay upang magpatuloy at lumawig pa ang mga tagumpay na natamo sa nakalipas na taon kung saan may mahalagang papel na ginampanan ang bawat isa para mapabuti ang kalagayan ng bawat Pilipino.


######wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home