hajji Kakausapin ni House Speaker Martin Romualdez si Pangulong Bongbong Marcos bukas ng umaga upang iparating ang hinaing ng mga driver at operator na tumututol sa PUV Modernization Program.
Pinapasok sa Kamara ang transport groups na Manibela at PISTON na nagsagawa ng kilos-protesta sa labas ng Batasan Complex upang ipahayag ang pagtutol sa programa pati na sa deadline ng industry consolidation.
Sa pagharap ni Romualdez sa grupo na pinangungunahan nina Mar Valbuena at Mody Floranda, tiniyak nitong makakarating sa pangulo ang saloobin ng drivers.
Pakikiusapan din ng House leader ang LTFRB na kung maaari ay palawigin pa ang deadline ng consolidation na itinakda sa January 31.
Kasabay nito, sinabi ni Romualdez na habang pinag-aaralan ang posibleng solusyon sa pangamba ng transport sector ay sisiguruhing maibibigay ang mga ayuda para sa maaapektuhan gaya ng Assistance to Individuals in Crisis Situations at TUPAD program.
Punto pa ni Romualdez, dapat mapanatili ang imahe ng tradisyunal na jeepney dahil isa ito sa mga sumisimbolo sa Pilipinas.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home