Thursday, January 25, 2024

rpp DS Suarez binuweltahan mga walang basehang akusasyon ng dating House Speaker kaugnay sa pag-amyenda sa Konstitusyon



Binuweltahan ni House Deputy Speaker David "Jay-jay" Suarez ng Quezon province ang mga walang basehang akusasyon ni dating Speaker Pantaleon Alvarez laban sa hakbang upang maamyendahan ang Konstitusyon.


Kasabay nito ay binigyang-diin ni Suarez ang kahalagahan ng pagkakaroon ng isang konstruktibong dayalogo sa Kongreso at sinabi na nais lamang ni Alvarez na idiskaril ag progreso ng hakbang para sa pagbabago ng Konstitusyon.


Sa isang panayam, kinuwestyon ni Alvarez ang pagiging lehitimo ng People’s Initiative para amyendahan ang 1987 Constitution at inakushan si Speaker Ferdinand Martin Romualdez na nasa likod nito—bagay na makailang beses nang pinabulaanan ng liderato ng Kamara, mga mambabatas at iba pang grupo na nagsusulong ng reporma sa Konstitusyon.


Sinabi rin ni Alvarez na kumakatawan sa unang distrito ng Davao del Norte, na hindi niya mawari kung bakit kailangan amyendahan ng Konstitusyon at ginagamit pa ang economic provisions nito bilang dahilan.


Pinuna ni Suarez ang biglaang pagbaliktad ni Alvarez at aniya’y “wild, baseless and reckless” na alegasyon nito laban kay Speaker Romualdez.


Minaliit ng mambabatas mula sa ikalawang distrito ng Quezon ang mga alegasyon ni Alvarez na pawang walang katotohanan at nais lamang sirain ang kasalukuyang proseso ng constitutional economic.


"Former Speaker Alvarez's allegations are not just unfounded; they reek of desperation and a disregard for the truth. Accusing Speaker Romualdez of orchestrating the ‘People's Initiative' without a shred of concrete evidence is not only irresponsible but also a clear attempt to destabilize our legislative proceedings," sabi ni Suarez.


Ipinaalala rin ni Suarez na si Alvarez ay dating nagsusulong ng charter change sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.


Katunayan, kasama aniya si Alvarez sa 301 miyembro ng Kamara na bumoto pabor sa pagpapatibay ng Resolution of Both Houses No. 6 noong Marso na nagpapatawag ng constitutional convention para amyendahan ang 1987 Constitution.


“This underscores the inconsistency in former Speaker Alvarez’s current stance on constitutional reforms, considering his prior support for RBH 6 last year,” giit ni Suarez.


Para kay Suarez ay kuwestyunable ang pagbabago ng posisyon ni Alvarez.


"It's baffling that someone who vigorously pushed for constitutional reforms in the past is now attempting to cast doubt on the very process he once championed. This raises serious questions about the credibility and sincerity of his current objections," paghahayag ni Suarez.


Muling binigyang-diin ni Suarez na ang gumugulong na pagreporma sa Saligang Batas ay nakaayon sa batas at salig sa Konstitusyon.


Nanawagan din ito sa mga kapwa mambabatas na huwag padala sa “divisive tactics” ni Alvarez at sa halip ay ituon ang atensyon sa paglilingkod para sa interes ng mga Pilipino at pagpapaigting ng pamamahala sa bansa.


"It's regrettable that instead of contributing constructively to the ongoing constitutional discussions, former Speaker Alvarez has chosen to indulge in baseless mudslinging. Our priority should be the well-being of our constituents, not engaging in petty political theatrics," saad ni Suarez.


Kasabay nito ay pinasinungalingan din ni Suarez ang paratang ni Alvarez na inilipat sa unprogrammed funds ang pondo para sa infrastructure projects ng mga congressional district na hindi bahagi ng supermajority.


Naalarma kasi si Alvarez sa paglaki ng unprogrammed funds na kahalintulad na ng pork barrel.


Tugon ni Suarez “The use of unprogrammed funds strictly adheres to transparent and legal processes. Our commitment to financial transparency is unwavering, and every allocation and reallocation undergoes rigorous scrutiny to ensure adherence to established protocols.”


Wala rin ani Suarez na diskriminasyon sa paglalaan ng pondo sa mga miyembro ng Kamara na hindi kasama sa supermajority.


“Decisions within Congress are made based on merit, and our leadership ensures inclusivity and fairness in every aspect of our legislative agenda,” diin ni Suarez.


Bilang tugon sa pagtutol ni Alvarez sa itinutulak ng supermajority sa constitutional amendment sinabi ni Suarez ang kahalagahan ng aktibong legislative agenda.


"The suggested changes aim to meet the changing needs of our nation. Our dedication to progress propels the push for constitutional change, centered on shared goals for the benefit of the Filipino people,” sabi ni Suarez.


Hinikayat naman ng Deputy Speaker ang kanyang mga kasamahan na tindigan ang pangako na amyendahan ang luma nang probisyong pang ekonomiya ng 1987 Constitution na nakakabalam sa pagkamit ng full economic potential ng Pilipinas


Mahalaga din aniya ang pagkakaisa nila para tugunan ang mga hamong kinahaharap at pagsuporta sa liderato ni Speaker Romualdez.


“Speaker Romualdez has demonstrated unwavering dedication to our shared objectives. Under his guidance, we have the strength to navigate the complexities of constitutional amendments and emerge stronger as a legislative body,” wika pa ni Suarez. wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home