rpp Senado iipitin pag-amyenda sa Konstitusyon dahil sa walang basehang alegasyon-- Dalipe
Nagpahayag ng pagkadismaya si House Majority Leader Manuel Jose Dalipe sa ginagawa umanong pag-ugnay ng mga senador kay Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa People’s Initiative at gamitin itong dahilan upang ipitin ang panukala na amyendahan ang Konstitusyon.
Sinabi ni Dalipe na ang pahayag ni Senate Majority Leader Joel Villanueva na hindi na interesado ang mga senador na itulak ang Resolution of Both Houses (RBH) No. 6 na naglalayong amyendahan ang Konstitusyon sa pamamagitan ng Constituent Assembly ay nakababahala.
“These claims, grounded in allegations linking the House leadership to the people's initiative, are not only baseless but also regrettably cast a shadow over the collaborative efforts required for constitutional reforms,” ani Dalipe.
“If Senator Villanueva's assertion holds true, it is disheartening that certain senators perceive ghosts without substantial evidence. Unjustly implicating Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez in relation to the people's initiative only serves to foster unwarranted doubts and distractions,” dagdag pa ni Dalipe.
Kung totoo umano ang sinabi ni Villanueva, lumalabas na pinapaniwala lamang ng mga senador si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na susuportahan ng Senado ang hakbang upang amyendahan ang Konstitusyon gaya ng inanunsyo ni Senate President Juan Miguel Zubiri.
“Speaker Romualdez has even extended a welcoming hand in response to the Senate's favorable pronouncement on constitutional economic reforms, highlighting a collaborative approach for the greater good of the Filipino people,” wika pa ni Dalipe.
Ayon kay Dalipe, hindi na naman bago ang pagharang ng Senado sa mga hakbang upang maamyendahan ang Konstitusyon.
“Amidst this disturbing development, it is worth noting that over the past 36 years, the Senate has unfortunately blocked repeatedly efforts to amend the outdated 1987 Constitution and depriving the Filipino people of a better Philippines,” wika pa ni Dalipe.
“It is crucial that we set aside our differences and unite in our efforts to bring about meaningful constitutional reforms that will positively impact our nation,” giit ng kongresista. (END)
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home