hajji Nanindigan si House Appropriations Committee Chairman at Ako Bicol Party-list Representative Elizaldy Co na legal ang unprogrammed funds sa ilalim ng General Appropriations Act.
Tugon ito ni Co sa inihaing petisyon ng grupo ni Albay Representative Edcel Lagman sa Korte Suprema na kumukwestyon sa constitutionality ng umano'y excess unprogrammed funds sa 2024 National Budget.
Ayon kay Co, ang unprogrammed funds ay ginawa para sa emergency projects na kabilang sa "wish list" ng gobyerno sakaling mayroong mahuhugot na pondo mula sa revenues.
Hindi aniya ito obligasyon o kontrata at hindi bahagi ng National Expenditure Program na ang layunin ay ipagkaloob sa pamahalaan upang maisakatuparan ang wish list kapag may sobrang pondo at lumago ang ekonomiya.
Paliwanag ni Co, inilalabas ang unprogrammed funds matapos sertipikahan ng Department of Budget and Management at Treasury na may sobrang kita.
Ibig sabihin, hindi na umano ito bago sa sistema lalo't sa mga nakalipas na national budgets ay maituturing itong mabuting "planning practice" para sa emergency situations.
Inihalimbawa nito ang COVID-19 pandemic kung saan kinulang sa pondo at gumastos ng 400 billion pesos bukod sa pagtatapyas ng pondo mula sa NEP kaya naantala ang ilang proyekto o hindi natuloy para lang matugunan ang pangangailangan.
Dagdag pa ng mambabatas, hindi trabaho ng gobyerno na mag-impok o magtabi ng pera kundi kailangang gastusin upang makamit ang double-digit growth.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home