Thursday, January 18, 2024

medAff NON-IMPLEMENTATION’ NG MGA BENEPISYO PARA SA MGA SENIORS, PWDs AT SOLO PARENTS, INIMBESTIGAHAN NG KAPULUNGAN


Alinsunod sa gabay ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez, nagdaos ng isang motu propio na imbestigasyon ang Kapulungan ng mga Kinatawan ngayong Miyerkules, sa umano’y pagtanggi ng ilang mga establisimyento na maggawad ng diskwento at mga insentibo sa mga senior citizens, na isang malinaw na paglabag sa umiiral na batas. 


Ito ay ayon sa Republic Act (RA) 7277, o ang Magna Carta for Disabled Persons, na inamyendahan, at RA 9994 o ang Expanded Senior Citizens Act of 2010, na nagbibigay ng diskwento sa mga persons with disabilities (PWDs), senior citizens, at solo parents at tax exemptions at iba pang mga insentibo. 


Ang imbestigasyon ay magkasanib na isinagawa ng Komite ng Ways and Means na pinamumunuan ni Albay Rep. Joey Sarte Salceda, at Komite ng Senior Citizens na pinamumunuan ni Senior Citizens Party-list Rep. Rodolfo Ordanes, kabilang na ang Espesyal na Komite ng Persons with Disabilities na pinamumunuan ni Agusan del Sur Rep. Alfelito Bascug. 


Nanawagan si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ng imbestigasyon sa usapin matapos na makatanggap ng mga ulat mula sa mga senior citizens at PWDs na tinatanggihang gawaran ng diskwento sa ilalim ng mga umiiral na batas. Iminungkahi ni Salceda ang mga sumusunod upang tugunan ang usapin: 1) linawin ang mga pagkalito hinggil sa paggagawad ng diskwento kung saan ay naka ‘promo’ na umano ang mga produktong kanilang ibinebenta; 2) lumikha ng isang tanggapan katumbas ng National Council for Disability Affairs (NCDA) at ng National Commission of Senior Citizens (NCSC) para sa mga solo parents; at 3) lumikha ng sapat na revenue streams para pondohan ang mga komprehensibong pag-iingat sa lipunan na tutugon sa mga pangangailangan ng mga natukoy na sektor. 


Iginiit ni Ordanes ang pangangailangan na matugunan ang mga puwang sa pagpapatupad ng batas para sa “a more compassionate society that genuinely honors and cares for these valued members of our community.” 


Hinimok ni Salceda na ang umiiral na batas na naggagawad ng diskwento bukod sa mga naka ‘promo’ ay maayendahan, “Discounts should still apply to the promo. 


The general public gets 30% and this special sector also gets 30%? So, where is the preference there?” Sa isinagawang imbestigasyon, nilinaw rin na ang mga gamot at mga kagamitang pang medikal ay dapat na sakop ng mga espesyal na pribilehiyo at ang mga dietary supplements ay hindi. 


Binanggit ni Ordanes na ilang panukala na ang naihain, na nagpapalawig sa sakop na mga produkto kung saan ay may diskwento. 


Iniulat ni Salceda na tatalakayin ng Komite ang mga naturang panukala upang makapaglabas ng komprehensibo at pinalawig na programang benepisyo para sa mga senior citizens, PWDs, at mga solo parents. 


Samantala, ipinahayag ni Lawyer Rhealeth Krizelle Ramos, National Council on Disability Affairs (NCDA) Programs Management Division chief, na tinitingnan ng ahensya ang mas direktang serbisyo para sa mga PWDs sa kanayunan. 


Ipagpapatuloy ng lupon ang talakayan hinggil sa usapin sa ika-23 ng Enero. wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home