Thursday, January 18, 2024

milks PBBM karapatan na batiin ang bagong halal na Pangulo ng Taiwan…


Karapatan ni Pangulong Bongbong Marcos na batiin ang bagong Pangulo ng Taiwan na si President Lai Ching-te.


Depensa ito ni House Senior Deputy Speaker at Pampanga 3rd district Representativre Aurelio Gonzalez Jr. matapos punahin ng China ang congratulatory message ng Pangulo.


Ayon kay Gonzales, ang gesture of goodwill ni Pangulong Marcos Jr. sa lider ng Taiwan ay base sa diplomatic principles ng kanyang administrasyon na ipatupad ang positive international relations.


Sabi ni Gonzales, dapat tandaan ng Chinese Foreign Ministry na pinapangalagaan ng Pilipinas ang diplomatic relations sa China.


Giit ni Gonzales, hindi maituturing na paglabag ang pagiging pagkakaroon ng mabuting relasyon ng Pilipinas sa iba pang mga kapitbahay na bansa sa Asya.


Pagkilala din anya ito sa malalim nang relasyon ng Pilipinas sa Taiwan kung saan malaking bilang ng mga Pilipino ang nagtatrabaho doon.


Una rito, ipinatawag ng Chinese Foreign Ministry si Philippine Ambassador to China Jaime FlorCruz para ipaliwanag ang ginawa ni Pangulong Marcos Jr. na umanoy paglabag sa One China Policy.


Sa ginawang pagbati ni Pangulong Marcos Jr. kay President Lai, ipinarating ng China ang mensahe - and to quote “ not to play with fire “  at pakikialam umano sa kanilang internal affairs. wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home