Thursday, January 25, 2024

hajji Naniniwala si Albay First District Representative Edcel Lagman na dapat nang pumagitna si Pangulong Bongbong Marcos sa dalawang kapulungan ng Kongreso matapos mauwi sa komprontasyon ang pagsusulong ng Charter Change.


Ayon kay Lagman, kailangang solusyunan ni Marcos ang hindi pagkakasundo ng Senado at Kamara upang makatutok sa mas mahalagang isyu sa ekonomiya, food security, pagtaas ng presyo ng bilihin, misinformation, paglobo ng utang at pambu-bully ng China sa West Philippine Sea.


Wala aniyang kasalanan ang 1987 Constitution sa mga nagpapatuloy na krisis kundi ang mga palpak na polisiya at implementasyon ng mga batas, paglipana ng korapsyon at kakulangan sa stability at predictability ng mga polisiya ng pamahalaan.


Giit ng beteranong mambabatas, Korte Suprema ang dapat magpasya sa isang pormal na kaso kung dapat bang bumoto nang hiwalay o magkasama sa ilalim ng Constituent Assembly.


Hindi umano dapat makialam ang partisans na may lihim na motibo ukol sa proseso ng pagboto sa Con-Ass.


Una nang naglabas ng manifesto ang dalawampu't apat na senador na kumokondena at kumokontra sa ikinakasang People's Initiative upang maisulong ang pag-amiyenda sa Saligang Batas.

wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home