hajji Nilinaw ng Commission on Higher Education o CHED na hindi na bago ang inilabas na memorandum na nagpapatigil sa pag-aalok ng Senior High School program sa state universities and colleges at local universities and colleges.
Sa pagdinig ng House Committee on Basic Education and Culture, sinabi ni CHED Chairperson Prospero De Vera na maraming beses na silang naglabas ng advisory ngunit sadyang may SUCs at LUCs na matigas ang ulo.
Nagtapos na aniya ang transition period noong 2021 para sa K-to-12 program kaya ang pangunahing problema ay ang legal basis upang pondohan ito sa mga apektadong institusyon.
Paliwanag ni De Vera, ginamit na nila ang salitang "discontinue" upang bigyang-diin na nakararanas ang CHED ng iba't ibang suliranin tulad ng auditing rules.
Sa kasalukuyan, apatnapu't walong SUCs ang hindi na nag-aalok ng Grade 11 at 50 percent ang wala nang grade 12 habang sa LUCs ay 91 percent na ang walang grade 11 at 86 percent ang hindi nag-aalok ng grade 12.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home