hajji Pormal nang idinulog sa Korte Suprema ang umano'y sobrang alokasyon sa "unprogrammed appropriations" na nagkakahalaga ng 449 billion pesos sa ilalim ng 2024 General Appropriations Act.
Sa dalawampu't pitong pahinang petisyon na inihain ng grupo sa pangunguna nina Representatives Edcel Lagman, Gabriel Bordado at Mujuv Hataman, kinukwestyon ang constitutionality ng excess funds matapos umanong lumampas sa ceiling ng National Expenditure Program na nasa 281 billion pesos lamang.
Binanggit ng petitioners na sa Section 25 Article VI ng 1987 Constitution ay hindi maaaring taasan ng Kongreso ang alokasyon na inirekomenda ng pangulo para sa operasyon ng gobyerno na naka-specify sa budget.
Kabilang sa grounds na nakasaad sa petition for certiorari and prohibition ay ang "ceiling" ng NEP at unconstitutional ang ginawang pagdadagdag ng Kongreso sa unprogrammed funds dahil maituturing itong grave abuse of discretion.
Pinangalanan bilang respondents sina Senate President Juan Miguel Zubiri at House Speaker Martin Romualdez, Senador Sonny Angara, Representative Elizaldy Co, Executive Secretary Lucas Bersamin, DBM Secretary Amenah Pangandaman at National Treasurer Rosalia De Leon.
Nais nina Lagman na makakuha ng Temporary Restraining Order o Writ of Preliminary Injuction upang ipahinto muna ang implementasyon at paglalabas ng 449.5 billion pesos; pagbasura sa naturang excess funds; at Writ of Prohibition sa mga respondent upang pagbawalang ilabas ang excess items of expenditure.
Punto pa ng mga petitioner, dahil wala namang kinikilala o ipinaliliwanag ang Saligang Batas hinggil sa pagpapatupad ng ban, ang pagbabawal sa pagdadagdag ng alokasyon ay parehong tumutukoy sa programmed at unprogrammed appropriations.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home